==1==
Ang Dao na maibabahagi ay hindi ang walang katapusang Dao.
Ang mga pangalan na maaaring ibigay ay hindi sukdulang mga pangalan.
Ang walang ngalan ang pinagmumulan ng Langit at Lupa.
Ang may ngalan ang ina ng Sampung Libong Bagay.
Gayon,
Ang palaging pagmamasid sa mga bagay ng walang layunin,
madilidili ang kanilang lihim na likas.
Ang palaging pagmamasid sa mga bagay ng may layunin,
madidilidili ang panlabas na lalagyan.
Itong dalawa ay iisa lamang, ngunit kapag nakikita,
binibigyan ng ibat ibang ngalan.
Maaaring tawaging Madilim na Kababalaghan.
Umaabot mula Hiwaga patungo sa higit na madilim na Hiwaga
Ang lagusan sa lihim ng lahat.
==2==
(Kapag ang lahat) sa ilalim ng Langit ay kinikilala ang kagandahan bilang kagandahan, doon bubunga ang kapangitan.
(Kapag ang lahat) kinikilala ang kabutihan bilang kabutihan,
doon bubunga ang kasamaan.
Gayon,
Pagka at ‘di-pagka sinisilang ng magkasama.
Mahirap at madali bumubuo sa isa’t isa.
Mahaba at maikli nagbibigay hugis ng magkasama.
Mataas at mababa sinasandalan ang isa’t isa.
Tunog at tinig tumutugma ng magkasama.
Harap at likod sinasamahan ang isa’t isa.
Gayon,
Ang Sambong ay namamahala ng mga bagay ng walang kilos, at
Lumalakbay sa walang salitang aral.
Ang Sampung Libong Bagay ay umuugnay,
Ngunit (ang Sambong) ay hindi tumatalikod (sa kanila).
(Sila’y) umuusbong, ngunit (ang Sambong) ay ‘di sumusungab.
(Ang Sambong ay) kumikilos, ngunit hindi nakatali sa (bunga ng gawain),
(Ang Sambong ay) tinatapos, ngunit hindi umaasa sa (kanyang mga natapos).
Dahil (ang Sambong ay) hindi umaasa sa (nagawa),
(Ito’y) hindi maaalis.
==3==
Huwag puriin ang walang bahid,
Ng ang mga pangkaraniwang tao’y hindi magaaway.
Huwag pahalagahan ang mga bagay na mahirap makuha,
Ng ang mga pangkaraniwang tao’y hindi magnanakaw.
Huwag iladlad ang mga bagay ng pagnanasa,
Ng ang mga pangkaraniwang isip ay hindi malito.
Gayon, sa pamahalaan ng Sambong,
...
No comments:
Post a Comment