Saturday, December 26, 2015

alitaptap

Hinahalikan ang Bathala sa pag-awit
      tulad ng paghalik ng burol sa malayong dagat
            gamit ang kanyang talon.

Binibilang ng paru-paro hindi buwan kundi mga sandali
       at ang panahon may sapat.

Hayaan aking pagmamahal, tulad ng liwanag, umakap sa iyo
       habang binibigyan ng masinag na kalayaan.

Ang pagmamahal ay nananatiling lihim sa tuwing nasasabi
       tanging ang minamahal ang nakakaalam ng pagmamahal sa kanya.
Pagpapalaya mula sa pagkabilanggo sa lupa
       ay hindi kalayaan para sa puno.

Sa pagmamahal binabayaran ang walang katapusang utang na loob
      para sa iyong kabuuoan.


Rabindranath Tagore

*slight liberal translation

Dao De Ching ...

==1==

Ang Dao na maibabahagi ay hindi ang walang katapusang Dao. Ang mga pangalan na maaaring ibigay ay hindi sukdulang mga pangalan. Ang walang ngalan ang pinagmumulan ng Langit at Lupa. Ang may ngalan ang ina ng Sampung Libong Bagay.
Gayon, Ang palaging pagmamasid sa mga bagay ng walang layunin, madilidili ang kanilang lihim na likas. Ang palaging pagmamasid sa mga bagay ng may layunin, madidilidili ang panlabas na lalagyan.
Itong dalawa ay iisa lamang, ngunit kapag nakikita, binibigyan ng ibat ibang ngalan. Maaaring tawaging Madilim na Kababalaghan. Umaabot mula Hiwaga patungo sa higit na madilim na Hiwaga Ang lagusan sa lihim ng lahat.

==2==

(Kapag ang lahat) sa ilalim ng Langit ay kinikilala ang kagandahan bilang kagandahan, doon bubunga ang kapangitan. (Kapag ang lahat) kinikilala ang kabutihan bilang kabutihan, doon bubunga ang kasamaan.
Gayon, Pagka at ‘di-pagka sinisilang ng magkasama. Mahirap at madali bumubuo sa isa’t isa. Mahaba at maikli nagbibigay hugis ng magkasama. Mataas at mababa sinasandalan ang isa’t isa. Tunog at tinig tumutugma ng magkasama. Harap at likod sinasamahan ang isa’t isa. Gayon, Ang Sambong ay namamahala ng mga bagay ng walang kilos, at Lumalakbay sa walang salitang aral. Ang Sampung Libong Bagay ay umuugnay, Ngunit (ang Sambong) ay hindi tumatalikod (sa kanila). (Sila’y) umuusbong, ngunit (ang Sambong) ay ‘di sumusungab. (Ang Sambong ay) kumikilos, ngunit hindi nakatali sa (bunga ng gawain), (Ang Sambong ay) tinatapos, ngunit hindi umaasa sa (kanyang mga natapos). Dahil (ang Sambong ay) hindi umaasa sa (nagawa), (Ito’y) hindi maaalis.

==3==

Huwag puriin ang walang bahid, Ng ang mga pangkaraniwang tao’y hindi magaaway. Huwag pahalagahan ang mga bagay na mahirap makuha, Ng ang mga pangkaraniwang tao’y hindi magnanakaw. Huwag iladlad ang mga bagay ng pagnanasa, Ng ang mga pangkaraniwang isip ay hindi malito. Gayon, sa pamahalaan ng Sambong,
...

Ang Dayo

I
Kamamatay lang ni Nanay kanina. O, baka, kahapon; hindi ko matiyak. Nakasabi sa telegrama mula sa Tahanan: YUMAO ANG IYONG INA. LIBING BUKAS. NAKIKIRAMAY. Sa kung saan naiiwang nakakalito ang kalagayan; maaaring nangyari kahapon. Ang Tahanan ng Matatanda ay nasa Marengo, mga limangpung milya mula sa Algiers. Sa pagsakay sa bus na aalis ng alas dos malamang ay makakadating ako doon bago magdilim. Maaring nandoon ako magdamag, lalamay sa tabi ng labi, at makakabalik dito bukas ng gabi. Nakapagpaalam ako sa trabaho’t pinahintulutan ng dalawang araw; natural, sa pagkayao, hindi siya makatanggi. Gayunman, parang napansin kong naiinis siya, at nasabi ko, ng hindi inisip: “Pasensya na, boss, pero hindi ko naman kasalanan.” Pagkatapos, natanto kong ‘di ko naman kinailangan magpaliwanag. Walang dahilan kung bakit kailangan akong humingi ng despensa; nasa kanya ang pakikiramay at iba pa. Maaaring gawin niya sa makalawa, kapag nakita niyang nakaitim ako. Sa ngayon, parang hindi talaga namatay si Nanay. Ang libing ang magpapatunay, ang papako, ika nga.
Sumakay ako ng bus ng alas dos. Sobrang init ng hapon. Nananghalian ako, sa nakasanayan, sa restawran ni Celeste. Mabait ang lahat sa akin, at sabi ni Celeste, “Hindi mapapantayan ang isang ina.”
Sa aking pagalis ay hinatid ako hanggang pintuan. Nakapukaw, ang paglayas, hanggang huling sandali ng kinailangan kong tumawag sa bahay nila Emmanuel para makihiram ng itim na kurbata at ligas gamit sa pagluluksa. Pumanaw ang kanyang tiyuhin ilang buwan lamang nakakalipas.
Kinailangan kong tumakbo ng hindi mahuli sa pagsakay. Marahil ang pagmamadali, nasabayan ng silaw ng daan at langit, ang alingasaw ng gasoline, at ang mga kalog, ang nagdala ng pagkaantok. Anumang dahilan, halos buong biyahe ako nakatulog. Pagkagising ko’y nakasandal ako sa isang sundalo; ngumisi siya’t nagtanong kung malayo ang aking linakbay, at ako’y tumango pasagot, ng mapaikli. Wala akong gana noong makipagusap.
Ang Tahanan ay mahigit isang milya mula sa nayon. Linakad ko lang. Humingi ako ng pahintulot agad makita si Nanay, ngunit sinabihan ako ng bantay na kailangan ko munang makipagkita sa kapitan. Abala siya, kinailangan kong maghintay ng sandal. Kinausap ako ng bantay habang ako’y naghihintay; pagkatapos ay hinatid sa opisina. Maliit na lalake ang kapitan, puti ang buhok, at may pihalang Kakapalan ng Karangalan na nakabitones. Matagal akong pinagmasdan ng kanyang basang azul na mata. Pagkatapos ay nakipagkamayan kami, at sa haba ng paghawak sa akin ay nagsimula akong mahiya. Saka siya sumangguini sa rehistro sa lamesa, at sinabi:
“Pumasok si Ginang Meursault sa Tahanan tatlong taon nang nakalipas. Wala siyang sariling kaya’t umasa ng buong buo sa iyo.”
Naging pakiramdam ko’y sinisi niya ako para sa kung saan, nagsimula akong magpaliwanag. Siya’y sumabad. “Hindi mo kailangang mangatwiran, anak. Tiningnan ko ang talaan at hindi mo noon kayang tiyakin na siya’y maalagaan ng wasto. Kinailangan niyang may kasama sa bawat oras, at mga binatang gaya mo ay di nababayaran ng gaano sa iyong uri ng trabaho. Ano mang lagay, mas nagging masaya siya sa Tahanan.”
Sinabi ko, “Opo. Tiyak akong ganoon nga.”
Pagkatapos ay dinagdag niya: “Alam mo, marami siyang naging matalik na kaibigan ditto, matatanda gaya niya, at mas nakakasundo ng isang tao ang kaedad niya. Masyado kang bata; hindi mo noon makakayanang sabayan siya.”
Dati’y ganoon nga. Noong magkasama kami sa bahay, lagi akong binantayan ni Nanay, ngunit madalang kaming nagusap. Noong unang mga lingo sa Tahanan lubos ang kanyang pag-iyak. Ngunit iyon ay dahil lamang hindi pa siya nalalagi. Pagkatapos ng isa o dalawang buwan mapapaiyak siya kung sinabihang kakalianganin niyang lumisan sa Tahanan. Dahil ito, din, ay magdadala ng <kirot at kalungkutan (trauma?)>. Kung kaya, noong huling taon, paminsan-minsan lang ako dumalaw. At, ang magiging kahulugan ay ang pagkasayang ng aking Linggo – at ang ‘di kailangang banggiting na abala ng pagsakay sa bus, ang pamasahe, at ang dalawang oras na pagbiyahe bawat daan.
Patuloy na nagsalita ang kapitan, subalit hindi ko binigyan ng pansin. Sa huli sabi niya:
“Ngayon, marahil ay nais mong makita ang iyong ina?”
Tumayo ako ng walang sinabi, at pinatungo niya ako sa pinto. Sa aming pagbaba ng hagdanan ipinaliwanag niya sa akin:
“Pinalipat ko ang bangkay sa aming maliit na morge- nang hindi malumbay ang ibang matatanda, nauunawaan mo. Sa bawat panahong may namamatay dito, dalawa o tatlong araw nagiging kabado ang lahat. Mangyari, nagiging ibig sahihin, dagdag trabaho at ligalig para sa mga tauhan.”
Tumawid kami ng liwasan na kung saan may ilang matatandang lalake, naguusap sa kani-kanilang pangkat. Natahimik sila ng napalapit kami. Pagkatapos, ng hindi nakaharap, nagsimula ulit ang satsatan. Sa pagdinig ng tinig nila’y naisip ko ang mga munting lorong nakakulong, ang kaibahan ay hindi kasing tinis ang kanilang tinig. Tumigil ang kapitan sa harap ng lagusan ng maliit at mababang gusali.
“Iiwan na kita ditto, Ginoong Mersault. Kung kakailanganin mo ako dahil sa anuman, mahahanap mo ako sa aking opisina. Ang panukala naming ay ilibing siya bukas ng umaga. Mabibigyan ka nito ng panahong maglamay sa tabi ng ataol ng iyong ina, na tiyak kong hiling mong magawa. Isa pang bagay; ayon sa mga nasabi ng mga kaibigan ng iyong ina’y ang hinuhain ko’y nais niyang mailibing sa pamamaraan ng Simbahan. Nakipagayos na ako ng matupad; ngunit minamabuti ko na ding ipaalam sa iyo.”
Nagpasalamat ako. Sa pagkakaalam ko, ang aking ina, gayong hindi hayag na ateo, ay kailanman sa kanyang buhay ay hindi naglingap ng relihiyon.
Pumasok ako sa punenarya. Maliwanag, malinis at walang bahid na silid, na may apog na dingding at malaking durungawang ilaw sa atip. Ang kasangkapan ay ilan lamang mga upuan at mga kabalyete. Dalawa sa huli ang nakabuka sa gitna ng silid habang buhat ang kabaong. Angkop and takip, ngunit ang turnilyo ay binigyan lamang ng ilang pihit at mula sa mga singkol na ulo at kahoy, binarnisado ng nogales na malalim, may naiwang puwang. Isang Arabong babae—isang nars, maaari—ay nakaupo sa tabi ng kabaong; nakasuot siya ng bughaw na blusa at may masagwang bupana na nakabalot sa kanyang buhok.
Noo’y biglang lumapit ang tagapangasiwa sa aking likod. Kitang-kitang tumakbo sa pagtungo, gayong siya’y hiningal.
“Linagay namin ang takip, ngunit pagdating ninyo’y sinabihan ako na tanggalin ang turnilyo, upang makita n’yo sya.”
Habang patungo siya sa ataol sinabihan kong huwang nang magabala.
“A? Ano ulit?” kanyang bulalas. “Ayaw ninyong aking…?”
Binalik niya sa bulsa ang kanyang birador. Natanto kong hindi ko dapat sinabing, “Huwag,” at nangyaring nahiya ako. Pagkatapos akong suriin ng ilang sandal tinanong niya:
“Bakit hindi?” Ng tila’y hindi naninisi; nais lamang magusisa.
“Hindi ko talaga masabi,” sagot ko.
Sinimulan niyang paglaruan ang kanyang bigote; at, nang hindi ako tinitingnan, mahinay na sinabi:
“Naiintindihan ko.”
Maamo siyang tingnan, azul ang mata at mamulamula ang mga pisngi. Humila siya ng upuan para sa akin sa tabi ng ataol at umupo sa aking likod. Tumayo ang nars at naglakad patungo pintuan. Sa kanyang paglipas, binulong ng tagapangasiwa sa aking tenga:
“May tumor siya, kaawa-awa.”
Tiningnan ko siyang mas mabuti at napansin ko na may bendahe siyang nakabalot sa ulo, sa ilalim lang ng kanyang mga mata. Naka lapad sa kanyang ilong, at mahirap makita ang anuman maliban ang puting pilas.
Pagkalabas ng nars, tumayo ang tagapangasiwa.
“Iiwan na kitang mag-isa.”
Hindi ko alam kung may kinumpas ako, ngunit imbis na umalis ay napatigil siya sa likod ng aking upuan. Nabalisa ako sa pakiramdam na mayroon nakatayo sa aking likuran. Bumababa na ang araw at napuno ang buong silid ng aliwalas at mahinahong ilaw.
Dalawang putakti ang humihiging sa itaas, salungat ng bintana sa atip. Malalim ang aking pagkaantok at nahirapang hindi pumikit. Ng walang paglingon, tinanong ko ang tagapangasiwa kung gaanong katagal na siya nasa Tahanan. “Limang taon.” Sa madaling pagsagot hindi pagtatakahan na hinintay niya ang tanong.
Doo’y siya’y nabunsod, at siya’y naging madaldal. Kung may nagsabi sa kanya sampung taon nang nakalipas na hanggang sa huling araw ay magiging tagabanta sa isang tahanan sa Marengo, hindi niya papaniwalaan. Sesentay cuatro na siya, ayon sa kanya, at nagmula sa Paris.
Nang nasabi niya ito, sumabat ako. “A, hindi ka tiga dito?”
Natandaan ko noon , bago niya ako ihatid sa kapitan, may sinabi siya tungkol kay Nanay. Sabi niya ay kakailanganin niyang mabilisang mailibing dahil sa init sa mga parting ito, lalo na sa patag.
“Sa Paris binuburol ang labi ng tatlong araw, minsan apat.” Pagkatapos ay nabanggit niyang sa Paris siya tumira ng malaking parte ng kanyang buhay, at hindi niya ito makuhang malimutan. “Dito,” nasabi niya, “ang bagay at pangyayari’y minamadali. Konting panahon lang ang naibibigay sa’yo upang matanggap at masanay sa pagpanaw ng tao bago ka hahatakin sa libing.”
“Tama na ‘yan,” sabat ng kanyang asawa. “Hindi mo kinailangang sabihin ang ganyang bagay sa kawawang binata.” Namula’t nagpaumanhin ang matanda. Sinabi kong okey lang. Ang katotoohan, nawili ako, sa kanyang mga sinabi; hindi ko ‘to naisip bago noon.
Tinuloy ang pagsalaysay at sinabing pumasok siya sa tahanan bilang isang karaniwang pasyente. Subalit malusog pa din siya’t masigla, at nang nagbakante ang posisyong tagapangasiwa, nagalok siyang punuin ito.
Nabangit ko na, kahit na, pasyente pa din siya gaya ng iba, ngunit ayaw niyang tanggapin. Sabi niya, “isang opisyal.” Nagulat ako sa kanyang nakaugaliang paggamit ng “sila” o, mas madalang, “iyong mga matatanda,” kapag tinutukoy ang mga pasyenteng hindi nakakatanda sa kanya. Gayunman, naiintindihan ko ang pananaw niya. Bilang tagapangasiwa mayroon siyang kinakatayuan, at kapangyarihan sa ibabaw ng iba.
Kasunod ay ang nars ay bumalik. Mabilis dumating ang gabi; at bigla na lang, tila, ang langit ay umitim sa ibabaw ng bintana sa atip. Binuksan ng tagapangasiwa ang mga lampara, at muntik na akong mabulag sa liyab ng ilaw.
Iminungkahi niyang tumungo ako sa repektoryo para mag-hapunan, ngunit hindi ako gutom. Ipinukala niyang dalahan ako ng taro ng café au lait. Gayong mahilig ako sa café au lait sinabi kong, “Salamat,” at pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik siya ng may dalang bandeha. Uminom ako ng kape, at pagkatapos nagnasa ng sigarilyo. Ngunit hindi ako sigurado kung nararapat na magsigarilyo ako, sa natagpuang kalagayan – sa paligid ni Nanay. Pinagisipan ko; sa katunayan, walang masama, kaya’t inalok ko ang tagapangasiwa ng yosi, at kapwa kaming nagsigarilyo.
....